Mabuhay, mabuhay ang dakilang samahan
Paglilingkod sa Diyos walang hanggan.
Ang bawa't kasapi'y may pananagutan
Sa ikabubuti ng ating samahan
At ng sangsinukob at sangkatauhan.
Ang pangangalaga maging kaayusan
At kalinisan ay gawain natin.
Ang tungkuling banal na handog sa Maykapal
Na ginagampanan ng ating samahan.
Koro:
Buhay nakalaan aming iaalay
Sa iyo Mother Butler aming taga-akay
Sa aming landasin ng kaliwanagan
At sa aming buhay, ilaw na patnubay.